Fiesta Festival sa Valenzuela, dinumog ng mga fans!
Sa opening palang, talagang pinagkaguluhan ang paglabas ng mga casts ng 'I Never Knew Love' kasama sina Erwin Cadelina, Megan Caguiat at Cariza Llena habang kumakanta ng "Ligaya" ng Eraserheads. Pero ang mas inabangan ng audience ay ang paglitaw ng tatlong bida ng web serye na sina Bens Bautista, Carla Zara at Prince Teodoro.
Kasunod na nagperform sa entablado ay ang Celebrity Singer ng Walang Tulugan With The Master Showman na si Casey Martinez.
Si Casey ay ang VJ ng upcoming talent competition na 'Sing for your Dreams' na mapapanood sa Celebrity Channel TV, ang Youtube channel ng SMAC Television Production simula ngayong September 6, 2014.
Sa kalagitnaan ng show, kumanta at nagpakilig sa mga fans ay ang mga Way Up boys na sina Jonathan Solis, Prince Teodoro, Bens Bautista at Grey. Iilan sa mga kinanta nila ay ang Everything, Hinahanap-hanap Kita, The One I Like at sa huli ay isang dance number na Trumpet na pinasikat ng American singer-songwriter na si Jason Derulo.
Pagkatapos ng Way Up boys, sumalang nadin ang dalawang Gawad Kabataan Ambassadors na sina Justin Lee at Jonathan Solis awit ang Gawad Kabataan themesong na Kabataan.
Bago pa man magtapos ang event ay lumabas na ang Prince of Mall Shows na si Jake Vargas. Hinarana ni Jake ang mga magagandang dilag ng SM Center Valenzuela na sila namang kinikilig at todo sigawan habang kumakanta ang kanilang idolo.
(See more photos, click HERE!)