Aljur Abrenica, nababastosan sa GMA; nag-file ng kaso laban sa management
Sa tagal at haba ng itinakbo ng karera ni Aljur, tila hindi ramdam ng aktor ang kanyang pagsikat. Totoo nga ata ang binabato ng mga fanatics ng rival network na, "Hanggang Kamuning lang ang pagsikat ng mga artista ng GMA!". Tingin nyo?
Pero kamakailan lang ay umusbong ang balitang magkakaroon ng kanyang second album si Aljur at ito daw ang isa sa mga rason kung bakit gustong kumawala ng aktor at nag-file pa ng kaso laban sa kanyang mother network sa tulong ng kanyang abogadong si Atty. Ferdinand Topacio.
"Gusto nila yung bastos na title na ni sa panaginip ay hindi ko ma-imagine. Para akong bold actor sa tingin nila. Saan ka nakakita ng manager na ang gustong title ng album ko ay ‘Nota’?" saad ng aktor.
Halatang hindi na masaya si Aljur sa kanyang estado sa GMA pero ang sabi nya, "Hindi ako nakikipag-away. tumatanaw ako ng utang na loob. Ayoko ko sana umabot sa ganito" dagdag pa nya.
Sa kabilang dako, naglabas naman ng statement ang GMA Network na hanggang ngayon ay wala silang reklamong natanggap galing kay Abrenica.
“GMA Network has not yet received a copy of the complaint filed by Mr. Aljur Abrenica. A statement will be issued when we have received and reviewed the contents of the complaint,” pahayag naman ng GMA.