Lyca is The Voice Kids Grand Champion
![](http://site-51629.mozfiles.com/files/51629/PROFILE-lyca.jpg)
Sa halos ilang libong bulilit ang nangarap at sumali sa The Voice Kids PH at sa halos tatlong buwan na paghihintay, the little superstar is born.
Nung Sabado ng gabi, July 26,2014 ay nagsimula ang laban ng The Voice Kids Top 4 na sina Darlene ng Team Lea, Juan Karlos ng Team Bamboo at Lyca at Darren ng Team Sarah.
Sa unang battle na Ballad Performance ay inawit ni Lyca ang 'Narito Ako' na orihinal ni Regine Velasquez. Sa second round na Up Beat Song Performance naman ay binigyan ni Lyca ng bagong version ang pinasikat ng International Singer na si Carly Rae Jepsen, ang 'Call Me Maybe'.
Nung linggo naman, sa pangatlo at huling battle ay kumanta ang bawat finalists kasama ang mga special guests at ang kinanta ni Lyca ay ang 'Basang-basa Sa Ulan' kasama mismo ang orihinal na singer nito, ang Aegis.
Sa kanilang performance ay muling napahanga at talagang pinatunayan ng 'Little Superstar' sa lahat ng manonood na deserving talaga syang manalo. Dito mas nakuha ni Lyca ang atensyon at simpatya ng tao para iluklok sya bilang kauna-unahang grand champion ng The Voice Kids.
At sa katapusan nga na laban, nanguna ang manok ng bayan, ang Little Superstar na si Lyca ang tinanghal bilang grand winner. Pumangalawa naman si Darren at sumunod sina Juan Karlos at Darlene.
"Sobrang hangang-hanga ako sa batang iyun (Lyca) at mahal na mahal ko sya kaya sobra akong nagpapasalamat na sya talaga ang nanalo. Sa lahat ng Popsters, maraming salamat po sa pagtulong sa akin para tuparin ang kanyang pangarap" saad ni Coach Sarah sa isang interview pagkatapos ng show.
5 comments - Lyca is The Voice Kids Grand Champion
Pero nagawa nyang nakipgsabayan. Sa mga batang talagang magagaling dahil my mga
kasali rin ako sa the voice ehh.... :)