Kapuso starlet na si Jackie Rice, nagminaldita sa isang matandang fan!
September 4, 2014 at 6:01 pm,
No comments
![](http://site-51629.mozfiles.com/files/51629/jackie1.png)
Ayun sa nag-upload ng video sa Facebook na si AJ Javier, "Hindi raw sinasadya ng tagahanga ni Jackie Rice na maubo sa harap ng kaniyang idolo. Pero ang artista, parang hindi natuwa sa paghingi ng tawad niya. Bakit kaya ganito ang reaksiyon ni Jackie?"
Oo nga, bakit nga ba putok-botse si Jackie gayong humingi naman ng tawad ang matanda?
Ayun naman sa Facebook page ng Wish Ko Lang, isa diumanong 'social experiment' ang video na ito.
Kung ano ang katotohanan sa likod ng kwento ng eskandalong kinasasangkutan ni Jackie Rice, abangan sa Wish Ko Lang ngayong Sabado, 3:15pm.