Marian, nilampaso ng The Voice Kids
Aniya ni Marian sa isang interview, "One time kasi, nagkasama kami ni Sarah (Lahbati; kaibigan ni Bela) bilang nagmomotor si Dong (Dingdong) at Richard (Gutierez)."
“Nagkakuwentuhan kami, ‘tapos sabi niya sa akin, ‘Yan, sana huwag kang mailang sa akin kasi alam mo na friend ko (si Bela)."
Sagot naman ni Marian, "Alam mo Sarah, hindi ako ganoong klaseng tao, porket kaibigan ng ganito, e, ganito na ako. Hindi ako ganun."
Ayun pa sa dyowa ni Dingdong, gusto daw ni Sarah na sana magkaayos na sila ni Bela.
At dun na naisipan ni Marian na i-guest ang dalaga sa show nya gayung napakiusapan naman nya ang staff ng palabas nya.
Sa pagkasama naman ni Sam Pinto, "Its about time na din" saad ni Marian upang magkaayos at magkasama silang tatlo sa kanyang palabas.
Pero ang gabing iyun na inabangan din naman ng mga fans ni Marian ay tila wala lang, dahil napakababa ng nakuha nitong ratings laban sa The Voice Kids Finale ng kalabang network.
Ayun sa datos mula sa AGB Nielsen noong July 26, 2014 kung saan magkatapat ang TVK Finale at Marian, nakakuha lamang ito ng 16.5 kontra 33.6 ng The Voice Kids. Halos kalahati ang nilamang ng talent show ng AbsCbn sa national ratings.