Sino ang tatanghaling kauna-unahang The Voice Kids Philippines Grand Winner?
"Maglalaban-laban ang ating top four in three rounds of competition" saad ni Luis Manzano tungkol sa kung paano ang takbo ng kompetisyon. Ang unang round ay ang "Power Ballad" at susundan ng "Up Beat Song". Bukas sa ikatlong round magkakaroon ang bawat finalists ng special performance kung saan makaka-duet nila ang mga special guests.
Sa pagsisimula ng Power Ballad Performance ay unang kumanta si Juan Karlos ng Team Bamboo ng 'Yesterday' by The Beatles. Sumunod namang nagpakitang gilas si Darlene ng Team Lea at kinanta ang 'Sana'y Wala Nang Wakas' ni Sharon Cuneta. Sumunod na kumanta ay si Darren ng 'Ngayon' ni Basil Valdez at ni Lyca ng 'Narito Ako' ni Regine Velasquez na parehong galing sa Team Sarah.
( Juan Karlos performed Yesterday by The Beatles)(Darlene performed Sana'y Wala Ng Wakas by Sharon Cuneta)(Darren performed Ngayon by Basil Valdez)(Lyca performed Narito Ako by Regine Velasquez)
Sa pagtatapos ng first battle ay agad na binuksan ang voting lines at agad din na sinara pagkatapos ng commercial break. Pagkatapos maisara ang voting lines ay syang pagsimula naman ng second battle.
'Runaway Baby' ni Bruno Mars ang kinanta ni Juan Karlos at 'Call Me Maybe' ni Carly Rae Jepsen naman ang kinanta ni Lyca. Agad naman na nagperform si Darlene ng 'Louder' ni Charice at si darren ng 'Somebody To Love' ni Justin Bieber. Pagkatapos ng second battle ay agad namang binuksan ulit ang botohan, at sinara pagkatapos ng break.
(Juan Karlos performed Runaway Baby by Bruno Mars)(Lyca performed Call Me Maybe by Caly Rae Jepsen)
(Darlene performed Louder by Charice)
(Darren performed Somebody To Love by Justin Bieber)
No overnight voting. Voting lines will open tomorrow after their performances with special guests.
If you wanna know the voting mechanics, watch this.
(The Voice Kids PH voting mechanics)ALL VIDEOS ARE CREDIT TO THE OWNERS. No copyright infringement intended.