RnB Singer at Multi-Platinum Recorder, gustong lumipat sa Dos!
![](http://site-51629.mozfiles.com/files/51629/Da_Who.jpg)
RnB singer-song writer, gusto nang kumala sa GMA Network. Ito ay ayun sa isang mapagkakatiwalaang source na nagbigay ng impormasyon sa amin.
"Actually matagal na nyang gustong lumipat dahil di naman nya ramdam ang pagiging artista doon (GMA). Simula nung pinagtatanggal sila sa SAS, nagtampo na sila. Paano ba naman, kung sino tong mga walang talent, sila ang pina-prioritized ng bulok na pamamahala ng network" saad ng source.
"Marami sila ang nagbabalak..hahahaha!! Yun nga lang, paunti-unti kasi baka harangin ng management, baka daw mapansin.hahahah" dagdag pa nya.
Isa namang multi-platinum singer na babae ang nagbabalak din na lumipat ng Dos. Sa katunayan, nakikipag-meeting na ang kanyang manager sa pamahalaan ng Kapamilya Network dahil din sa magulong karera nya.
Ok naman daw ang pag-aalaga sa kanya ng kanyang mother network, pero ang kanyang inaalala, ay ang kanyang kasikatan. Tila hindi ramdam ng singer ang kanyang bituin kahit na merong kabulastugang inilabas ang GMA na pumabor sa kanya.
Sino ang mga hula nyo Trendbloggers? Gusto nyo ng clue?
1. RnB Singer na nag-guest na sa iba't-ibang Kapamilya shows
2. Kadalasang inookray dahil sa matalim nyang baba